Saturday, October 13, 2007

Laging Nandyan ang Diyos (isang maikling kwento)

Noong isang araw, may batang babaeng nagngangalang Andrea. Si Andrea ay isang napakabait na bata at tuwang-tuwa ang lahat ng tao sa kanya. Ngunit isang madilim na gabi, nagkaroon ng isang napakalaking baha. Lahat ng mga tao sa bayan ay tumakbo, pati na rin si Andrea at ang kanyang ina. Madami sa mga tao ay nasawi, hindi nakabilang si Anrea doon pagkat siya at ang kanyang ina ay isa sa mga unang nakatakbo, ngunit habang tumatakbo, natapilok ang ina ni Andrea at nagkawalay sila sa malaking grupo ng taong tumatakbo. Walng magawa si Andrea. Tumakbo na lamang siya, tumakbo sa isang malayong lugar.

Iyak ng iyak si Andrea. Pinagduduhan niya ang Diyos at galit na galit siya dito.

Sumigaw si Andrea, "Bakit po!? Ano po ba ang nagawa ko? Di po ba ako naging mabait na bata?!"

Biglang nagdilim ang kanyang paningin, tila nawala ang araw, may lumabas na maliwanag na ilaw at mayroon siyang narinig na malaking boses,

"Andrea, wag kang mawalan ng pag-asa. Aalagaan kita wag ka lang mawalan ng pananampalataya."

Nagbukas ang paningin ni Andrea, at unti-unti siya muling nagtiwala sa Panginoon. Naglakad siya at makalipas ng ilang oras may nakita siyang maliit na bayan. Pumasok siya dito at namangha siya sa kanyang paligid, kay ganda ganda. Mayroong mga brilyante na tila nakalutang sa bawat sulok, nag-niningning at nakakabulag sa liwanag.

Mayroong isang bata na lumapit sa kanya at nagwika, "May isang lalaking naka-sakay ng isang kabayo, na nagsabi sa akin na ikaw ay darating. Binayaran niya ako basta't daw alagaan kita ng mabuti."

Kinuha niya ang kamay ni Andrea at dinala niya ito sa kanyang bahay. Ipinakain niya si Andrea, pina-inom at pinahinga niya ito. Nang nagising si Andrea, nakita niyang nakahiga na lamang siya sa isang bato. Tila naglaho ang bahay at higaang naramdaman niya noong natutulog siya.

Tumawa na lamang siya at sinabi, "Salamat Diyos."

Yoon na lamang ang laging nangyayari. Maglalakad siya ng maliit na distansya at makaaabot siya sa isang bayan, mayroong lalapit sa kayang bata at dadalin siya sa isang bahay. Papakainin siya, papainumin, at papahigain. At tuwing gigising siya ay makikita niyang nasa bato na lamang siya at ang kanyang kinalalagyan ay tila naglaho na.

Paulit-ulit ang pangyayaring ito, hangga't dumating na sa tamang edad si Andrea at kaya na niyang ipagtanggol at alagaan ang kanyang sarili.

Nagpapasalamat talaga si Andrea sa Diyos pagkat hindi siya pinababayaan nito.


iniakda ni Zarah Miaral

5 comments:

bernadette said...

hello.. maganda ang storya..thanks for sharing.. pwd ba itong halimbawa ng isang mitolohiya??

thanks ulit.. more power and God bless

Unknown said...

Wow this is a nice story for the children.i will surely use this for our students in chuch.

Unknown said...

Ang Ganda Ng story tamang Tama sa mga kabataan na basahin

Unknown said...

Angganda ng kwento. Magagamit ko ito sa paggawa ng kwento sa Module sa ESP. Maraming salamat po sa pag share po. God bless ang more blessings po.

Unknown said...

Many thanks po! :) I like the story. Talagang kapupulutan siya ng aral.